Wika, ito ang
isa sa pinakamahalagang bagay na dapat taglayin ng isang bansa. bawat bansa y
may kaya-kanyang wika.
Ang buwan ng
Agosto ang tinaguriang Buwan ng Wika dahil sa buwan na ito naipanganak ang Ama
ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon. Sa pamamagitan ng buwang ito, mas
naitatatak sa mga kapwa nating Pilipino ang importansya ng pagkakaroon ng isang
wika. Ngayong taon na ito, ang tema ng ating Buwna ng Wika ay; Wikang Filipino:
Wika ng Pagkakaisa. Wikang Filipino, ang gandang pakinggan sa tenga sa tuwing
sinasambit. Lumaki tayong lahat na Wikang Filipino ang madals nating ginagamit.
Ngunit gaano nga ba ka-importante ang wikang ito? Ang Wikang Filipino ang
tanging nagbubuklod sa ating mga Pilipino sa tuwing tayo ay nakakaranas ng
iba't-ibang problema. Ito ang ginagamit nating komunikasyon sa kapwa natin.
ispin nalang natin kung ano ang mangyayari sa atin kung wala ang wikang ito
upang magbuklod sa atin? Tiyak kong hindi tayo magkakaintindihan. Hindi aasenso
ang ating buhay at lalong lalo ang hindi natin masusulosyunan ang ating mga
problema.
Napakahalaga
talaga ng isang wika, dahil ito ang magiging paraan upang magbuklod buklod tayo
blang iisang bayan. Matuto tayong pahalagahan ang wikang ipinagkaloob sa atin.
MAtuto dapat nating mahalin at tangkilikin ito dahil ito ang magbibigay
karangalan sa atin sa sitwasyong ikasasaya natin. Buong puso nating ipagmalaki
na tayo'y mga Pilipino at tanging Wikang Filipino ang wikang ating
tatangkilikin.